Women’s World Cup sa 2023

FIFA, aprubado na ang pag-expand sa 32 teams ng Women’s World Cup sa 2023

Sports

OPISYAL nang inapurabahan ng FIFA ang pag-eexpand sa 32 teams sa kasalukuyang 24 teams ang maglalaban-laban sa Women’s World Cup sa 2023.

Kasabay rin nito ang pagbubukas ng bidding process para sa mga bansang posibleng mag-host ng torneyo.

Magugunitang nagsimula lamang sa 12 teams ang Women’s World Cup noong 1991 sa unang edisyon nito.

Ayon sa pahayag ng FIFA, unanimous ang naging pag-apruba ng FIFA council sa panukalang gawing 32 teams ang maglalaban- laban sa darating na 2023 FIFA Women’s World Cup.

Dahil sa nasabing pagpapalawig sa number ng teams ng Women’s FIFA World Cup, kaparehas na nito ang sa men’s tournament na may 32 teams noon pang 1998.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *