pagyanig

Itbayat, Batanes, muling nakaranas ng pagyanig

Regional

MULING nakaramdam ng may kalakasang pagyanig ang Itbayat, Batanes ngayong umaga.

Batay sa tala ng Phivolcs, naitala ang Magnitude 4 na lindol sa labing apat na kilometro ang layo sa timog silangan ng Itbayat.

May lalim naman itong 17 kilometro kung saan tectonic ang origin.

Wala namang naitalang pinsala sa lindol kung saan naramdaman ang Intensity IV sa bayan ng Itbayat.

Ang naturang pagyanig ay kabilang sa mga aftershocks ng magkasunod na lindol na tumama sa lugar noong Sabado ng umaga.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *