terminal fee

Libreng terminal fee sa mga paliparan para sa mga estudyante, simula ngayong araw

National News

LIBRE na ang terminal fee para sa mga estudyante sa mga paliparan na nasa ilalim ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) simula ngayong araw, Agosto 1.

Base sa memorandum ng CAAP, sakop ng exemption ang mga estudyante na naka-enroll mula pre-school hanggang kolehiyo.

Maging ang mga estudyante sa techinical at vocational schools, at training centers.

Para ma-avail ang libreng terminal fee, kailangang mag-apply ng mga mag-aaral para sa student exemption certificate sa malasakit help desks sa mga paliparan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *