31 patay, 5 nawawala habang 52 ang nailigtas sa paglubog ng tatlong bangka sa Guimaras, Iloilo

Regional

NASA 31 na ang kumpirmadong patay habang 52 naman ang nailigtas matapos lumubog ang 3 bangka sa karagatan ng Guimaras at Dumangas sa Iloilo noong Sabado.

Ayon kay PNP, Police Regional Office-6 Spokesperson Police Lt.Col. Joem Malong, patuloy pa ang paghahanap sa limang iba pang nawawala.

Tinatayang 86 ang kabuuang bilang ng mga pasahero mula sa 3 bangka kabilang ang 13 crew.

Sa 25 nasawi, 13 rito ang hindi pa nakikilala habang ang 12 ay tukoy na ang pagkakakilanlan.

Ang mga nasawi ay mula sa mga lumubog na bangka na M/B Chichi, M/B Jenny Vince, at M/B MB Keshia 2.

Makikita ang mga pangalan ng mga nasawi sa tanggapan ng PCG.

Dahil sa sama ng panahon ay pansamantalang itinigil ang search and rescue operation sa 5 pang nawawala.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *