Gazini Ganados, top secret ang battle plan upang masungkit ang back-to-back win ng Pilipinas sa Miss Universe

Showbiz

TIKOM si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados ng tanungin ito patungkol sa kaniyang battle plan upang masungkit ang korona sa Miss Universe 2019.

Say ni Gazini, dapat abangan ng mga Pinoy ang kaniyang mga pasabog upang makuha ang back-to-back win ng bansa sa pamosong pageant na sa ngayon ay mananatiling top secret.

Isa lamang aniya ang tiyak na bahagi ng kaniyang strategy at ito ay ang kaniyang pagiging authentic sa pagrepresenta ng Pilipinas sa pag-take over ng universe stage.

Tiwala naman ang tinaguriang beauty queen maker na si Jonas Gaffud sa pambato ng Pilipinas at sinabing, malaki ang laban ni Gazini dahil sa kaniyang malaks na stage presence.

Noong nakaraang buwan ng koronahan si Gazini bilang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2019.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *