Panukalang 4-day work scheme, muling inihain sa kamara para masolusyunan ang problema sa trapik sa EDSA

Section

ISINUSULONG ngayon sa mababang kapulungan ng kongreso ang panukalang four-day work scheme para masolusyunan ang matinding sikip ng trapiko sa Edsa.

Muling inihain ni Baguio City Rep. Mark Go ang panukalang batas na nagpapahintulot sa pagkakaroon ng compressed work week, na inaprubahan ng dalawang kapulungan ng kongreso sa 17th Congress pero hindi naging ganap na batas.

Sinabi ni Go na ang planong ipagbawal ang mga provincial buses sa Edsa ay kakaunti lamang ang maitutulong sa matagal nang problema sa trapiko.

Ayon kay go, sa higit 300,000 sasakyan na dumadaan sa Edsa araw-araw, nasa 5,000 hanggang 6,000 lamang ang mula sa mga probinsya, o nasa 2% lamang ng 367,728 na kabuuang bilang ng mga sasakayn sa Edsa.

Pahayag ito ni Go kaugnay sa mungkahi ng MMDA at LTFRB na ipagbawal ang provincial buses sa Edsa.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *