TNT Katropa, tinambakan ang San Miguel Beer sa Game 1 ng PBA Finals

Sports

TINAMBAKAN ng TNT Katropa ang San Miguel Beer sa game 1 ng 2019 PBA Commisioner’s Cup finals na nagtapos sa iskor na 109-96.

Sa unang bahagi pa lamang ng laro ay tinambakan na ng ka-tropa ang Beermen ng 18-0 run na naging dahilan kung bakit hindi na nito nagawang makahabol pa hanggang dulong bahagi ng kanilang match.

Naging malaking tulong sa pagkapanalo ng ka-tropa ang kanilang import na si Terrence Jones na nakagawa ng double-double performance na 41 points at 12 rebounds.

Ikinatuwa naman ni TNT Coach Bong Ravena ang pagkapanalo ng TNT Koponan dahil sa ito ang unang beses na nakapasok ang kanyang koponan matapos ang dalawang taon.

Gaganapin naman ang game 2 sa Agosto 17 sa Araneta Coliseum.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *