Commission on Human Rights, nababahala sa serye ng pagpatay sa Negros Oriental

National News

NABABAHALA ang Commission on Human Rights (CHR) sa serye ng mga patayan sa Negros Oriental na umaabot na sa 21 ang bilang sa loob lamang ng mahigit isang linggo.

Sinabi ni CHR Spokesperson Jacqueline De Guia na ang nasabing bilang ay madaragdag sa lumalaking bilang ng mga nasawi sa bansa na kailangang maresolba at mabigyan ng hustisya.

Ayon kay De Guia, nagdeploy na sila ng mga imbestigador sa Negros para imbestigahan ang mga nasabing patayan na sangkot ang mga pulis, abogado, educators at maging bata.

Nanawagan din ang CHR ng kooperasyon sa pnp partikular na sa pagbibigay ng impormasyon sa mga kaso para agarang mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Pinaghahawakan naman ng CHR ang pagtitiyak ng pnp na nanatiling under control ang sitwasyon sa probinsya kahit walang ipinatutupad na extraordinary measures para magpatupad ng martial law o anumang emergency power.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *