Emmy Awards 2019

Emmy Awards 2019, isasagawa ng walang host

Showbiz

TULAD ng matagumpay na Oscars 2019, host-less din ngayong taon ang pamosong television awards body na The Emmy.

Inanunsyo ni Fox Entertainment CEO Charlie Collier na sa unang pagkakataon mula 2003 ay walang magiging host ang naturang event.

Naniniwala aniya sila na ito ang tamang gawin upang magkaroon sila ng oportunidad na mag-innovate ng iba pang elemento para sa awards night.

Paraan din ito upang makatipid ng oras at mas mabigyang daan ang pagkilala sa mga award winners.

Sa kabila nito, tiniyak ng Emmy producer na mayroon pa ring opening number at iba’t ibang supresa.

Gaganapin ang 71st primetime Emmy Awards sa Setyembre 22 sa Microsoft Theater, California.

Magugunitang noong Pebrero nang isinagawa ang Oscars nang walang host dahil sa pag-atras ng comedian-actor na si Kevin Hart.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *