Metro Manila

Light to moderate rain showers, mararanasan sa buong Metro Manila at ilang lugar

National News

SA lagay ng panahon, makararanas ng mahina hanggang sa katamtaman na pagbuhos ng ulan ang buong Metro Manila at ilang karatig na probinsya.

Batay sa weather forecast ng Pagasa apektado din ang mga lugar ng Rizal, Tarlac, Nueva Ecija, Cavite, Laguna, Batangas at Quezon.

Parehong sitwasyon din ang iiral sa Zambales, Bataan, Pampanga at Bulacan.

Ang nararanasang pagbuhos ng ulan ay bunsod pa din ng hanging habagat o Southwest Monsoon.

Manatili namang nakaantabay sa susunod na weather advisory ngayong tanghali.

Samantala, inilagay sa Signal Number 1 ang probinsya ng Batanes at Babuyan Group of Islands dahil pa din sa Bagyong Hanna.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *