Malacañang

Malacañang, dumistansiya sa pagbawi ng TRO kaugnay ng kaso ni dating Pang. Aquino

National News

DUMISTANSIYA ang Malacañang sa pinakahuling development patungkol sa kaso ng graft and usurpation of authority laban kay dating Pangulong Nonoy Aquino.

Kaugnay ito ng pag-aalis sa Temporary Restraining Order o TRO sa asunto ng dating pangulo na may kinalaman sa pagkakalagas ng 44 na miyembro ng Special Action Force sa Mamasapano noong Enero 25, 2015.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Salvador Panelo, ayaw nilang panghimasukan ang trabaho ng korte na isa aniyang hiwalay na sangay o independent branch ng pamahalaan.

Nasa hurisdiksiyon aniya ng hudikatura ang kaso ng dating presidente at kanila aniyang iginagalang ang pagiging independent nito upang ipataw sa sinomang political o social stature ang nararapat sa gitna ng kinakaharap nitong kaso sa hukuman.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *