Sanofi Pasteur

P1.6 bilyong isinauli ng Sanofi Pasteur sa gobyerno, pinaiimbestigahan

National News

PINAIIMBESTIGAHAN ni ACT Teachers Party-List Rep. France Castro sa House Oversight Committee ang P1.6 bilyong isinauli ng manufacturer na Sanofi Pasteur ng kontrobersyal na Dengvaxia sa gobyerno.

Nais alamin ni Castro kung saan na napunta at ano ng nangyari sa pera na ibinalik ng Sanofi Pasteur sa pamahalaan.

Ayon kay Castro, kataka-taka na wala nang naging update sa pondo, lalo na’t patuloy ang pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa.

Sinabi ni Castro na hindi solusyon ang pagbabalik ng Dengvaxia sa pagdedeklara ng National Dengue Epidemic ng Department of Health.

Giit ni Castro, dapat gumagawa ng mga hakbang ang gobiyerno para malinis ang kapaligiran.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *