palengke

Surprise inspeksyon, isinagawa sa palengke sa Blumentritt, Manila

Section

NAGSAGAWA ng isang surprise visit ang operatiba ng Manila City Hall sa palengke ng Blumentritt ngayong umaga.

Kinumpiska ng otoridad ang mga madayang timbangan sa naturang palengke.Ito ay matapos nakatanggap ng reklamo na maraming madayang timbangan ang mga vendors doon.

Pinatungan ang bawat timbangan ng bakal na may saktong isang kilong bigat ngunit sumusobra ang ipinakitang resulta ng kanilang mga timbangan.

Nakakuha naman ang mga operatiba ng Manila City Hall ng sampung timbangan sa isinagawang surprise inspeksiyon.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *