Bagyong Hanna

Bagyong Hanna, nakalabas na sa PAR; mga pag-ulan, patuloy

National News

NAKALABAS na sa teritoryo ng Pilipinas ang Bagyong Hanna.

Ayon sa Pagasa, alas dose kaninang hatinggabi nang tuluyang lumayo sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo.

Huli namang namataan ang bagyo sa layong 645 KM hilaga hilagang-silangan ng Basco, Batanes

Sa kabila nito, patuloy na makakaranas ng mga pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa dahil sa habagat na pinalakas ng bagyo.

Samantala, malabo namang pumasok ang bagyong may international name na “Krosa” sa PAR.

Huli itong namataan sa layong 1,990 km silangan ng extreme northern Luzon.

Gayunman, patuloy pa ring makararanas ng monsoon rains ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, Babuyan Group of Islands, Zambales, bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, at Mindoro dahil sa hanging habagat.

Makararanas rin ng pag-ulan ang Western Visayas at natitirang bahagi Luzon habang isolated rain showers at thunderstorms ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *