DILG, P10-M donasyon ng China

DILG, personal na tinanggap ang P10-M donasyon ng China

National News

NAGBIGAY na ng P10-M donasyon ang China para sa mga biktima ng lindol sa Itbayat, Batanes noong nakaraang buwan.

Personal na itinurn-over ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua ang tulong-pinansyal na tinanggap ni DILG Secretary Eduardo Año sa tanggapan ng DILG sa Quezon City.

Tiniyak naman ni Ambassador Xiao na magpapatuloy ang China bilang good neighbor at relative ng Pilipinas.

Matatandaang nag-donate rin ang gobyerno ng China ng financial assistance sa bansa matapos tumama ang Magnitude 6.1 na lindol sa Pampanga noong Abril.

DZAR1026  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *