muling bubuksan

Pangulong Duterte, bukas sa paggamit ng Dengvaxia vaccine kung irerekomenda

National News

BINIGYANG diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang pagtutol sa paggamit ng kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.

Ito ang paglilinaw ng pangulo kung may magrerekomenda sa kaniya na mga ekspertong Pilipino para muling gamitin ang Dengvaxia.

Kasunod ito ng pagdedeklara ng Department of Health ng National Dengue Epidemic dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa.

Sa ngayon ay umaabot na sa 160,000 ang kaso ng dengue sa bansa kung saan animnaraan na ang nasasawi mula Enero hanggang Hulyo ng taong ito.

Una nang inirekomenda ni dating Health Sec. at Iloilo Rep. Janette Garin na ikunsidera ng gobyerno ang paggamit ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Pero mariin naman itong tinututulan ni Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta dahil sa posibleng makaapekto ito sa kasong isinampa laban kay Garin.

DZAR1026 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *