stranded SA pantalan

Higit 2,000 pasahero, stranded sa mga pantalan sa bansa dahil sa habagat

Regional

LIBU-libong pasahero ang stranded sa mga pantalan sa bansa dahil sa masamang panahon na dala ng hanging habagat.

Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), kabuuang 2,259 na mga pasahero ang stranded sa Southern Tagalog, Bicol at Southern Visayas.

Hindi rin pinayagang maglayag ang nasa 33 na barko, 307 na rolling cargoes at 20 motorbanca.

Pinapayuhan naman ni PCG Spokesperson Captain Armand Balilo ang lahat ng PCG units na tiyaking naipatutupad ng mahigpit ang HPCG Memorandum Circular Number 02-13 o ang panuntunan tungkol sa paglalayag sa karagatan kapag mayroong sama ng panahon.

DZAR1026  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *