Simultaneous Eearthquake Drill

Iba’t ibang ahensya ng gobyerno, nakiisa sa simultaneous earthquake drill

Metro Manila

NAKIISA ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, mga paaralan at ilang pribadong kumpanya sa isinagawang ikatlong quarter nationwide simultaneous earthquake drill ng NDRRMC kahapon.

Pagsapit ng 2:00 ng hapon at pagtunog ng serena na hudyat ng pagsisimula ng drill ay sabay-sabay na nag-duck, cover and hold at nagsilabasan sa kanilang mga tanggapan ang mga nakilahok sa drill.

Kabilang sa mga nakilahok sa drill ang mga sundalo at kawani ng AFP sa Camp Aquinaldo sa Quezon City kung saan isang incident command post ang itinayo sa Lapu-Lapu Grandstand para sa mga kunwaring nasugatan sa malakas na lindol.

Nakiisa rin sa earthquake drill ang mga pulis at empleyado ng Manila Police District, mga empleyado ng La Mesa Dam Treatment Plant sa Quezon City, Philippine Information Agency (PIA), DSWD at ang mga empleyado ng SM Megamall, maging ang ilang paaralan.

Layunin ng naturang aktibidad na alamin ang kahandaan ng iba’t ibang ahensya at ng publiko sakaling dumating ang malakas na paglindol o ang tinatawag na “The Big One.”

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *