kanselado

Ilang biyahe ng eroplano, kanselado dahil sa masamang panahon

National News

KANSELADO ang ilang biyahe ng eroplano ngayong araw dahil sa nararanasang sama ng panahon sa bansa.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kabilang sa kanselado ang China Airlines Flights CI 701 at 702 na Taipei-Manila-Taipei at ang Cebu Pacific Flights 5J 312 at 313 na Manila-Taipei-Manila.

Kanselado rin ang Philippine Airlines Flights PR 890 at 891 na Manila- Taipei-Manila at PR 2696, 2697, 2688 at 2689 na parehong biyaheng Clark-Basco-Clark.

Maging ang Air Asia Flights Z2 124 at 125 na Manila-Taipei-Manila at Skyjet Flights M8 816/817 na Manila-Basco-Manila.

Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na magpa-rebook o refund ng kanilang tickets sa loob ng tatlumpung araw.

DZAR1026  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *