Lee Seung Gi

Korean star Lee Seung Gi, magsasagawa ng fan meet sa bansa sa Oktubre

Showbiz
ANOTHER Korean star is coming to town dahil nakatakdang bumisita sa bansa ang multi-talented entertainer na si Lee Seung Gi.

Kinasabik ng Pinoy fans nang ianunsyo ng Korean entertainment and events company na Applewood na kabilang ang Manila sa Asian fan meet tour ni Lee Seung.

Isasagawa ang much-awaited “Vagabond Voyage” fan meet ng ni Lee Seung sa October 12, 2019 habang to be announce naman ang iba pang detalye ng event gaya ng venue at ticket prices.

Bukod sa Pinas bibisita din ang Korean star sa Bangkok, Singapore at Kuala Lumpur.

Si Lee ay tinaguriang “Triple Threat” star dahil sa tagumpay nito sa iba’t ibang larangan tulad ng singing, hosting at acting.

Kabilang sa pinakasikat na pinagbidahn ng Korean actor ay ang “My Girlfriend is a Gumiho” at “The Korean Odyssey.”

DZAR1026  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *