Manila Water

Manila Water President and CEO Ferdinand dela Cruz, nagbitiw sa puwesto

Metro Manila

NAGHAIN ng resignation letter ang President and CEO ng Manila Water na si Ferdinand dela Cruz.

Kinumpirma ito ng Manila Water Co. Inc. kung saan personal na dahilan ang pagbaba sa pwesto ng opisyal.

Epektibo naman ang pagbibitiw sa pwesto ni Dela Cruz sa Agosto 31.

Papalit dito bilang President at CEO ng kumpanya si Jose Rene Almendras na una ng naging bahagi ng gabinete ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Magugunita rin na nito lang Mayo ng magbitiw sa pwesto bilang COO ng kumpanya si Geodino Carpio ilang buwan matapos maranasan ang water crisis sa Metro Manila at probinsya ng Rizal kungsaan nasa higit isang milyong kostumer ng Manila Water ang apektado ng water interruption.

DZAR1026  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *