Taiwan

Mga establisyimento sa Taiwan, pinasara dahil sa paparating na bagyo

International News

IPINASARA na ng mga otoridad sa Taiwan ang mga palengke, negosyo at paaralan dahil sa banta ng paparating na bagyo.

Nagkansela din ng flights sa bansa at naglabas na ng babala ng posibleng landslide sa lugar.

Ang Bagyong Hanna o kilala sa ibang bansa bilang Lekima ay may lakas na 234 KM per hour at inaasahang tatama sa lupain bilang super typhoon.

Ayon kay Premier Su Tseng-Chang ay hindi pangkaraniwan na niyanig ang bayan nila ng lindol, isang araw bago sila hagupitin ng super Typhoon Hanna.

Magpapatuloy naman ang ruta ng bagyo mula Taiwan papuntang Shanghai China.

Matatandaang 700 katao ang namatay sa Taiwan matapos ito tamaan ng Super Typhoon Morakot taong 2009.

DZAR1026  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *