Barko sa pantalan

Mga stranded sa mga pantalan sa bansa dahil sa habagat, bumaba na

Regional

BUMABA na ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan sa bansa dahil sa masamang panahon na dala ng hanging habagat.

Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), kabuuang 801 na mga pasahero na lamang ang stranded sa Southern Tagalog, Bicol at Southern Visayas.

Bumababa na ito kumpara kaninang umaga na umabot sa mahigit dalawang libo ang stranded.

Habang nasa 33 na barko, 338 na rolling cargoes at 20 na motorbanca ang hindi pinayagang maglayag.

Pinapayuhan naman ni PCG Spokesperson Captain Armand Balilo ang lahat ng PCG units na tiyaking naipatutupad ng mahigpit ang HPCG Memorandum Circular Number 02-13 o ang panuntunan tungkol sa paglalayag sa karagatan kapag mayroong sama ng panahon.

DZAR1026  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *