Negros Oriental

Pabuya sa mga pumatay sa apat na pulis sa Negros Oriental, itinaas

Regional

NADAGDAGAN pa sa P6-M ang inaalok ni Pangulong Rodrigo Duterte na pabuya sa makakapagturo o makakahuli sa mga NPA na sangkot sa pagpatay sa apat na pulis sa Negros Oriental.

Ito ang inihayag ng Pangulong Duterte sa kaniyang talumpati sa oath taking ng mga bagong heneral ng PNP sa Malakanyang.

Kinuwestyon din ng pangulo kung bakit buhay pa ang mga nahuling suspek sa pananambang sa apat na pulis.

Nilinaw din ni Pangulong Duterte na wala siyang planong magdeklara ng martial law sa Negros dahil lamang sa sunud-sunod na patayan.

Aniya, magpapadala lamang siya ng maraming sundalo sa Negros tulad ng ginawa niya noon sa Jolo.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *