NAIA

Security alert sa NAIA, binawi na ng U.S. Department of Homeland Security

Section

BINAWI na ng US Department of Homeland ang security alert sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Disyembre noong nakaraang taon nang magbabala ang DHS ukol sa mahinang seguridad ng pangunahing paliparan ng bansa dahil hindi naabot nito ang international standards.

Sa isang pahayag, sinabi ng DHS na tinanggal na nila ang travel advisory matapos na makita ang mga malaking pagbabago sa usapin ng seguridad sa NAIA.

Nagbigay din anila ng katiyakan ang Manila International Airport Authority at ibang pang Civil Aviation Authorities sa Pilipinas na ipagpapatuloy ang mga ginagawang pagsisikap para mapanatili ang mga nasabing pagbabago.

Nanatili naman ang DHS at Transportation Security Administration na makikipagtulungan sa gobyerno ng Pilipinas para matiyak ang malakas na security posture sa NAIA at pagbutihin pa ang Global Aviation Security.

DZAR1026  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *