132nd anniversary ng National Library of the Philippines ipinagdiriwang

National News

IPINAGDIRIWANG kahapon ang ika-132 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng National Library of the Philippines (NLP).

Kasabay rin ng pagdiriwang ang pagkakompleto ng rehabilitasyon ng NLP.

Itinampok din sa naturang selebrasyon sa bihirang pagkakataon ang special exhibit ng mga orihinal na mga libro na sinulat ni Dr. Jose Rizal… ang Noli Mi Tangere at El Filibusterismo.

Makikita rin sa exhibit ang iba pang mga sulat ng pambansang bayani at maging ang mga orihinal na kopya ng mga certificate nito noong nag-aaral pa ito sa Espanya.

Matutunghayan din dito ang mga libro, dokumento, mga sulat at iba pa ng dating Pangulong Manuel L. Quezon.

Naging panauhing pandangal sa selebrasyon sina Cabinet Secretary Karlo Nograles, Department of Education Sec. Leonor Briones, at Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Ayon kay Nograles, napakahalaga na mapreserba ang mayamang kasaysayan ng bansa sa tulong ng national library.

Sa talumpati naman nito inihayag ni Sec. Briones na kailangan ding isulong sa bansa ang pagkakaroon ng sariling public library sa bawat Local Government Units o LGUs.

Samantala target naman ng pamunuan ng national library na ma-digitize ang lahat ng kanilang mga koleksyon ng libro at iba pang mga sulat o dokumento na hawak nila.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *