Bawas presyo sa mga produktong petrolyo, ipinatupad ng ilang kompanya ng langis

National News

NAGPATUPAD ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis.

Epektibo ngayon 6:00 ng umaga, may rollback na P1.10 sa kada litro ng diesel at P0.50 naman sa kada litro ng galsolina ang Shell at Petro Gazz.

Ganito rin ang presyo na nauna nang ipinatupad ng Phoenix Petroleum, Seaoil at Cleanfuel.

Nagpatupad din ng bawas presyo na P1.10 sa kada litro ng diesel at P0.55 naman sa kada litro ng gasolina ang Caltex.

May bawas din na P1.30 sa kada litro ng kerosene ang Shell, Petro Gazz at Caltex.

Ang naturang oil price rollback ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *