Motorbanca na may rutang Iloilo-Guimaras, balik operasyon na

Regional

BALIK-operasyon na ang biyahe ng mga motorbanca na may rutang Iloilo-Guimaras.

Ito ay matapos mag-isyu ng direktiba si Transportation Secretary Arthur Tugade na nag-aalis sa suspensyon ng Certificate of Public Convenience (CPC) sa lahat ng motorbancas sa ruta ng Guimaras patungong Iloilo at pabalik.

Gayunman, dapat sundin ang ilang kondisyon tulad ng maglalayag lamang depende sa ganda ng panahon, ang mga motorbanca ay dapat magsakay lang ng 75% ng kanilang authorized capacity, laging nakasuot ng life jackets ang mga pasahero sa buong paglalayag at dapat nakarolyo o di naman kaya ay alisin na ang mga tarpaulin o canvass.

Nakatakda rin lamang ang operasyon pagsikat ng araw hanggang sa bago ito lumubog at dapat may sapat na signals/equipment ang mga motorbanca na bibiyahe.

Matatandaang sinuspende ang operasyon ng mga motorbanca sa nasabing lugar matapos lumubog ang tatlong bangka kung saan 31 ang naiulat na nasawi.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *