Pagkasunog ng mga itinambak na basura mula South Korea sa Misamis Oriental paiimbestigahan ng EcoWaste Coalition

National News

KWESTYUNABLE para sa EcoWaste Coalition ang pagkasunog ng mga basura mula sa South Korea na nasa Tagoloan, Misamis Oriental.

Sa eklusibong panayam ng DZAR Sonshine Radio sa National Coordinator ng EcoWaste Coalition na si Aileen Lucero, hinimok nito ang mga kinauukulan na imbestigahan ang nangyari dahil sa tila sinadyang sinunog ang naka-imbak na basura.

Hindi naman matukoy kung ilang porsyento ng basura ang nasunog mula sa kabuuang 5,177 tons o mahigit 50 container.

Dumating ang mga halo-halong basura mula sa South Korea noong Nobyembre nitong nakaraang taon.

Sinabi ni Lucero na nakatakda sanang ibalik sa South Korea sa Setyembre ang mga basura matapos mapag-alamang walang legal na dokumento ang kumpanyang verde soko sa pag-angkat sa mga ito.

Una nang sinabi ni Mayor Gober Sabio na kanyang paiimbestigahan ang pagkasunod ng mga basura dahil para sa kanya ay kwesyonable ito.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *