Pangulong Duterte, hindi tututol sa pagbisita ni De Lima sa may sakit na ina

National News

WALANG magiging pagtutol si Pangulong Rodrigo Duterte kung papayagan ng korte si Senador Leila De Lima na mabisita ang kanyang inang may sakit.

Ito ang inihayag ni Senador Bong Go na dating long-time aide ni Pangulong Duterte.

Una nang naghain ng petition for furlough ang nakadetineng senador matapos malaman ang malalang kondisyon ng kalusugan ng kanyang inang si Norma Magistrado de Lima na nananatili sa ospital sa Iriga City, Camarines, Sur.

Samantala, hindi na rin tinutulan ng Department of Justice (DOJ) ang nasabing kahilingan ng senadora.

Batay sa mosyon sa Muntinlupa RTC ng lady senator, sa Agosto 15 nais mabisita nito ang 89 na taong gulang na ina.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *