Pilipinas, may pinakamataas na insidente ng pagkalat ng pekeng gamot

National News

PINAIIMBESTIGAHAN sa Senado ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang pagkalat ng mga pekeng gamot sa Pilipinas.

Ito ay matapos lumabas sa 2019 report ng UN Office on Drugs and Crime (UNODC) tungkol “Transnational Organized Crime in Southeast Asia: Evolution, Growth and Impact” kung saan ang Pilipinas ang itinuturing na “hotspot for knockout drugs.”

Natuklasan ng UNODC na mula 2014 hanggang 2017 na ang mga pekeng gamot o fake medicines ay kalimitang galing sa Pakistan, India at China na nakakapasok sa Pilipinas sa pamamagitan ng “illicit trade network.”

Iginiit ni Recto na dapat matukoy kung sino ang nasa likod ng misbranded, spurious, fake, at falsely-labeled drugs” kung saan naloloko ang maraming Pilipino.

Sinabi ni Recto na hindi lahat ng drug dealers ay shabu ang ibinebenta, dahil ang iba ay pekeng gamot sa infections,  rabies, TB, cancer, ubo at lagnat ang inilalako.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *