8484 corruption complaints hotline, inilunsad ng Bureau of Customs

National News

MAARI nang i-report ngayon ang anumang uri ng korapsyon na mamamataan sa loob ng Bureau of Customs (BOC).

Ito ay sa pamamagitan nang inilunsad na 8484 Text Hotline ng kagawaran kung saan maaring i-report ng publiko ang sinumang opisyal o empleyado ng BOC na sangkot sa iregularidad.

Ayon sa BOC, maaring isumbong sa naturang hotline ang mga opisyal na sangkot sa ilegal na gawain tulad ng ang mga brokers, importers at fixers.

Gayundin ang mga tauhan ng BOC na sangkot sa smuggling, bribery, illegal drugs at iba pa.

Kinakailangan lamang na i-text ito sa 8484 kasama ang kumpletong detalye gaya ng pangalan ng taong sangkot, ginawang illegal activity, petsa, lugar at paano ito ginawa.

Tiniyak naman ng BOC ang “confidentiality” ng mga sumbong at ang agarang aksyon para dito.

24/7 magiging available ang 8484 hotline sa lahat ng Globe at TM subscribers.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *