clean-up drive SA San Juan City

Albay, isinailalim sa state of calamity bunsod ng dengue outbreak

Regional

ISINAILALIM na din sa state of calamity ang buong lalawigan ng Albay dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue sa lugar.

Batay sa pinakahuling tala ng Albay Provincial Health Office, mula Enero 1 hanggang Agosto 7, lumobo na sa 3,055 ang bilang ng kumpirmadong dengue cases kung saan 12 sa mga ito ang nasawi.

Mas mataas ito ng 6.7% kumpara sa kaparehong panahon noong 2018 na 455 dengue cases kung saan 4 ang nasawi.

Naitala ang pinakamaraming kaso ng dengue sa bayan ng Tiwi, Pio Duran at Daraga.

Dahil dito ay humihiling ang Albay-PHO ng P2 milyong pondo para sa pagbili ng dengue kits at paraphernalia na gagamitin sa pagsugpo ng dengue-carrying mosquitoes.

Ito na ang ika-25 Local Government Unit na nagdeklara ng state of calamity dahil sa nasabing sakit.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *