Motion for Furlough ni Senador Leila De Lima, pinagbigyan ng korte

National News

MAARI nang madalaw ni Senador Leila De Lima ang kanyang inang may malubhang sakit na nasa Bicol.

Ito ay matapos pagbigyan ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 205 at 256 ang Urgent Motion for Furlough ni De Lima para mabisita ang inang si Norma Magistrado De Lima na kasalukuyang nasa ospital sa Naga City.

Binigyan ang nakadetineng senadora ng 48 oras kasama na dito ang travel time mula Agosto 14 hanggang 15 para mabisita ang ina.

Pero kinakailangan nitong bumalik sa Biyernes, Agosto 16.

Una nang sinabi ni Senador Bong Go na hindi tutol si Pangulong Rodrigo Duterte sa kahilingang ito ni De Lima.

Si De Lima ay kasalukuyang nakadetine sa custodial center ng PNP sa Camp Crame, Quezon City at nahaharap sa kasong may kaugnay sa iligal na droga na isinampa ng DOJ prosecutors.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *