OWWA, nakahandang magbigay tulong para sa mga stranded na OFWs patungong Hong Kong

National News

TINIYAK ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na nakahanda silang magbigay ng tulong sa mga stranded na Overseas Filipino Workers (OFWs) na patungo sanang Hong Kong.

Ito ay dahil sa patuloy na isinasagawang serye ng anti-government protests sa Hong Kong na dahilan ng pagka-kansela ng mga flights patungo sa nasabing bansa.

Ayon kay OWWA Administratior Hans Leo Cacdac, maaring dumulong ang mga stranded OFWs sa kanilang 1348 hotline at sa OWWA counters na makikita sa NAIA terminals 1,2 at 3.

Giit ni Cadac, nakahanda silang bigyan ng assistance ang mga stranded na OFWs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil naturang flight cancellations.

Tinatayang daan-daang ofws ang apektado dahil sa patuloy na HK protests.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *