Paglaban ng pangulo sa isyu ng katiwalian at korupsyon sa bansa, record breaking – Pastor Apollo

National News

TINUTURING ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ na isa sa mga record breaking na nagawa ng pangulo ng bansa na si President  Rodrigo Duterte ay ang walang takot na paglaban nito sa isyu ng katiwalian at korupsyon sa bansa sa loob ng tatlong taon.

Ayon kay Pastor Apollo sa programang Usaping Bayan,  nagawang banggain ng pangulo ang korupsyon pagkatapos ng higit isandaang taon na naging republika ang bansa kung saan naging kasama na ng koruspyon ang pamamahala dito sa Pilipinas.

Kahanga-hanga rin aniya ang ginawa ng pangulo ay hayagang pagpapakilala sa mga ahensya na kung saan talamak ang korupsyon at pagsibak ng mga opisyal na sangkot sa katiwalian

Nagpapasalamat naman ang butihing pastor na nananatiling matatag ang pangulo sakabila ng paghayag nitong pagod na itong pamahalaan ang bansa dahil sa talamak na kurapsyon sa Pilipinas.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *