Pagtanggap ng regalo ng mga pulis, hindi masama – Pastor Apollo

National News

WALANG masama sa pagtanggap ng regalo kung pagmamagandang-loob ito.

Ito ang naging reaksyon ng butihing pastor ng The Kingdom of Jesus Christ kasunod ng pagpabor ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtanggap ng regalo ng mga pulis basta hindi ito panunuhol.

Sinabi ni Pastor Apollo C. Quiboloy na maaari namang tumanggap ang mga pulis sa bansa, kung wala namang kapalit sa pagbibigay ng regalo at walang nagrireklamo.

Batid rin ng butihing pastor sa isinasaad ng batas ngunit aniya kung wala namang intensiyon na impluwensiyahan ang isang pulis sa kanilang trabaho ay hindi naman ito masama.

Sa ilalim kasi ng batas o Republic Act 6713 or The Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees ay ipinagbabawal sa mga pampublikong opisyal na manghingi at tumanggap ng “directly or indirectly gifts, gratuity, favor, entertainment, loan o anumang may monetary value.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *