Pamamahala sa tubig, dapat ibalik sa gobyerno kung kinakailangan – Pastor Apollo

National News

IBALIK ang pamamahala sa tubig sa gobyerno kung kinakailangan.

Ito ang naging pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa isyu ng water crisis sa bansa sa special episode ng Usaping Bayan program sa SMNI News.

Ayon kay Pastor Apollo, kung makabubuti sa taumbayan ang pamamahala ng gobyerno sa tubig sa bansa ay dapat itong isulong.

Sa ngayon ay bago lamang nanalo sa kaso ang DENR laban sa Maynilad at MWSS na siyang namamahala ng tubig sa buong Pilipinas dahil sa hindi nito pagbibigay ng tamang serbisyo at pagsasaayos ng mga sewage lines at sewage treatment facilities.

Malinaw na nilabag ng Maynilad at MWSS ang section 8 of the Philippine Clean Water Act (Republic Act No. 9275) dahil bigo nilang nagawa ang kanilang tungkulin na isaayos ang mga sewage lines at sewage treatment facilities.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *