Pilipinas, handang-handa na sa pagho-host ng 2019 Sea Games

Sports

HANDANG-handa na sa pagho-host ng 30th edition ng Southeast Asian Games ang Pilipinas.

Kaugnay nito, walang patid ang ginagawang paghahanda at preparasyon ng Philippine Olympic Committee sa paparating na 2019 Southeast Asian Games.

Magsisimula ang Sea Games sa Nobyembre 30 na tatagal hanggang sa Disyembre 11 ngayong taon.

Pamumunuan naman ng bagong talagang POC Chairman na si Bambol Tolentino ang ahensya na siyang mangunguna sa pagtitiyak ng kaayusan sa nasabing regional multi-sport event.

Kaugnay nito, isang tripartite agreement ang nilagdaan sa ng mga kinatawan mula sa PSC, POC at PHISGOC.

Target naman ng mga namumuno sa mga pangunahing komite ng sports ng bansa na magtapos sa top 3 ang Pilipinas.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *