karambola

Dalawa katao, sugatan sa karambola ng apat na sasakyan sa Nagtahan Bridge

Section

SUGATAN ang dalawa katao sa karambola ng tatlong truck at isang tanker sa southbound lane ng Nagtahan Bridge sa Sta. Mesa, Maynila.

Kabilang sa nasugatan ang driver at pahinante ng Elf truck na may kargang mga bakal.

Sa inisyal na imbestigasyon, isa sa tatlong truck ang nawalan ng preno kaya inararo ang mga sasakyang nasa harapan nito.

Matinding pagsisikip naman sa trapiko ang nararanasan sa lugar kung saan umabot sa Fajardo St. ang buntot ng traffic.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *