tigdas sa Estados Unidos

Bilang ng kaso ng tigdas, triple na ang pagtaas sa unang 7 buwan

National News

INANUNSIYO ng World Health Organization na halos magtriple na ang pagtaas ng bilang sa kaso ng tigdas sa unang pitong buwan ngayong taon.

Batay sa datos ng WHO, nasa 364,808 ang measles cases ngayon kumpara sa 129,239 noong nakaraang taon.

Ito na ang pinakamataas na bilang na kaso sa buong mundo mula taong 2006.

Ayon sa WHO, nakakabahala na ang paglobo nito lalo pa’t isang porsyento lamang mula sa 10 porsyento ng actual measles cases ang kanilang naitatala.

Sinabi rin ng WHO na dumami ang kaso ng tigdas ngayon dahil sa kakulangan ng vaccination services, misinformation hingil sa pagbabakuna at kulang sa kaalaman sa kahalagahan ng pagbabakuna.

Samantala, naitala naman sa Democratic Republic ng Congo, Madagascar ang may pinakamataas na kaso ng tigdas na may 127, 5000 sunod naman ang Ukraine at Africa.

DZAR1026

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *