Qantas Airways

Flight mula at patungong Sydney ng Qantas Airways, kanselado ngayong araw

National News

KANSELADO ang ilang flights mula at patungong Sydney ngayong araw.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang flights QF-019 na Sydney patungong Manila at QF-020 na Manila patungong Sydney ng Qantas Airways.

Ang naturang flight cancellations ay dahil sa operational purposes.

Na-accommodate naman na ng MIAA ang lahat ng apektadong pasahero sa kani-kanilang alternate flights.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *