Sugarcane Industry Development Act

IRR at MOA ng Sugarcane Industry Development Act, rerepasuhin

National News

SINUGURO ni Agriculture Secretary William Dar na kanyang rerepasuhin at pagtitibayin ang Implementing Rules and Regulations ng Sugarcane Industry Development Act matapos niyang aminin sa Senado na hindi gumagana ang mga programa at mga proyekto nito.

Sa pagdinig ng Committee on Agriculture sa Senado kaugnay sa kabiguan ng Sugar Regulatory Administration na ipatupad ang Sugarcane Industry Development Act ay sinabi ni Secretary Dar na ang pangunahing balakid sa nasabing batas ay ang mabagal na pagpapatupad ng mga prgrama at mabagal na pag-gastos sa mga pondo.

Ang nasabing pagdinig ay ipinatawag ni Senador Cynthia Villar matapos syang madismaya sa kabiguan ng SRA na ipatupad ang SIDA, na syang dahilan aniya kung bakit nasa P500M na lamang ang kanilang pondo ngayong 2019 kumpara sa P2-B sa taong 2016.

Ayon kay Villar, underspending ang dahilan kung bakit lumiit ang budget ng SRA at kung magpapatuloy ang underspending ay posibleng magiging P67-M na lamang sa taong 2020.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *