National Irrigation Administration

National Irrigation Administration, may bagong mga heavy equipments

National News

NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga bagong heavy equipments ng National Irrigation Administration.

Kamakailan lang ay nakabili ng 18 units ng bagong mga dump trucks ang ahensya na kabuoang nagkakahalaga ng P64.599M.

Ang naturang procurement ay bahagi ng 3 year re-fleeting program ng ahensya mula 2017-2019.

Ayon kay NIA Admin. Ricardo Visaya, noong 2017 nakabili sila ng nasa 34 units na light/transport vehicles at 17 units na mga heavy equipment.

Nasa 91 units ng light equipment at 18 heavy equipments naman ang nabili noong 2018 at ngayong 2019 ay nasa 91 light vehicles at 5 heavy equipment.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *