Pangulong Duterte

Pangulong Duterte, walang pang ideya kung sinong miyembro ng gabinete ang iimbestigahan ng PACC

National News

WALA pang ideya si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung sino ang dalawang miyembro ng gabinete ang iimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission o (PACC).

Tinanong mismo ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo si Pangulong Duterte kung may ideya na ba ito kung sino ang dalawang miyembro ng kanyang gabinete at sinabi ng pangulo na hindi niya pa ito alam sa ngayon.

Matatandaang, inihayag ni PACC Commissioner Greco Belgica noong Miyerkules na mayroong dalawa sa miyembro ng gabinete ng pangulo ang kasama sa iimbesitigahan ng anti-corruption body.

Sinabi rin ni Panelo na hindi makikialam ang pangulo sa trabaho ng PACC na mag-imbestiga sa sinuman na maaring gumagawa ng korapsyon sa pamahalaan.

Pinayuhan din ni Panelo ang mga opisyal ng gobyerno na huwag gumawa ng labis ng pag-babiyahe sa ibang bansa gamit ang pera ng bayan.

Matatandaang, nilagdaan ng pangulo ang isang Executive Order No.77 na kung saan nagbibigay ng mga rules and regulations sa mga opisyales sa kanilang pagbabiyahe sa loob at labas ng bansa.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *