Ronald Cardema

Ronald Cardema, posibleng makulong ayon sa Comelec

National News

POSIBLENG makulong umano si dating Youth Commissioner Ronald Cardema at iba pang nominado ng Duterte Youth Party-list group.

Ito ang pahayag ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon kasunod ng isinasagawang imbestigasyon ng Comelec Law Department laban kay Cardema at iba pang nominado ng youth party list kaugnay sa dalawang kaso ng material misrepresentation.

Ayon kay Guanzon, maitutu­ring na criminal offense ang pagsisinungaling ng mga nominado ng partido sa kanilang certificate of nomination na kwalipikado silang maging kinatawan ng youth sector gayung overage na sila.

Sa ilalim ng Party List System Act, ang kinatawan ng youth sector ay hindi dapat lalampas ng 30 anyos sa panahon ng eleksyon.

Sakaling mapatu­nayang guilty, hindi lamang kulong ang parusa kay Cardema at mga kasamahan nito kundi habangbuhay na silang hindi maaaring humawak ng posisyon sa pamahalaan.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *