Water allocation

Water allocation ng Manila Water at Maynilad, posible nang madagdagan

National News

POSIBLE nang madagdagan ang water allocation sa Manila Water at Maynilad ayon sa National Water Resources Board (NWRB).

Bagaman hindi pa maaring ibalik sa normal na alokason na 46 cubic meters per second ay maari na itong madagdagan bunsod ng pagtaas ng lebel ng tubig sa Angat Dam.

Ayon sa NWRB, posible nang iangat sa 38 hanggang 40 cubic meters per second ang water allocation ng Manila Water at Maynilad.

Sakaling tuluyang ipatupad, inaasahang mababawasan na ang mga lugar na apektado ng water interruption sa Metro Manila.

Sa kasalukuyan ay nasa 36 cubic meter per second ang alokasyon ng dalawang water concessionaire.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *