Aplikasyon ng mga POGO, pinasusuri sa PAGCOR

National News

PINASISILIP ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang lokasyon ng mga nag-a-apply na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sinabi ni Biazon na dapat may ginagawang konsultasyon sa mga defense department lalo na kung ang itatayong POGO ay malapit sa mga military base.

Ani Biazon, nagpahayag na noon ng sentimyento ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay dito kaya hindi ito dapat balewalain dahil malalagay sa alanganin ang ating seguridad.

Dagdag pa ni Biazon, naglabas ng pahayag ang Chinese Embassy na bawal ang gambling sa ilalim ng batas nila kaya marami ang pumupunta dito sa Pilipinas para magtayo ng POGO hub.

Napag-alaman na aabot sa mahigit 130,000 ang manggagawang Chinese sa POGO.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *