Comelec Commissioner Rowena Guanzon

Comelec Comm. Guanzon, planong sampahan ng kasong kriminal ng former Youth chairman

National News

PLANONG sampahan ng kasong kriminal ng Duterte Youth Partylist si Comelec Commissioner Rowena Guanzon dahil sa alegasyon ng pangingikil.

Nitong weekend ng akusahan ni Former Youth Chairman Ronald Cardema na humingi si Guanzon ng pera at pabor kapalit ng accredition ng kanyang grupong Duterte Youth Party-List.

Ayon pa kay Cardema, kinokonsidera rin nila ang paghahain ng impeachment complaint laban kay Guanzon.

Iginiit din ni Cardema na tinatarget siya ni Commissioner Guanzon dahil ito aniya ang huling pagkakataon nito na mag-iwan ng legasiya.

Una nang pinabulaanan ni Guanzon ang akusasyon ni Cardema gayong mas mayaman pa aniya siya rito.

Banat pa ng commissioner na baka nga walang kahit kalahating milyon si Cardema sa kanyang bank account.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *