Malacañang, nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating Environment Sec. Gina Lopez

National News

NAGPAABOT ng taos-pusong pakikiramay ang Malacañang sa pamilya, kamag-anak, kaibigan at mga mahal sa buhay ni dating Environment Sec. Gina Lopez.

Si Lopez ay pumanaw sa edad na 65 matapos ang pakikipaglaban sa brain cancer.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, labis na ikinalungkot ng Malacañang ang pagpanaw ng tinagurian nilang pinaka-“passionate” na miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ang environmental advocacy at legacy aniya nito ay mananatiling walang kapantay hanggang sa ngayon.

Kinilala rin ng Malacañang ang pagiging matapang ni Lopez sa pagharap at pagtugon sa pansariling interes ng mining sector.

Matatandaang itinalaga ni Pang. Duterte si Lopez bilang kalihim ng DENR pero nabigo itong makakuha ng kumpirmasyon sa Commission on Appointments noong Mayo 2017.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *